Yncierto, Chris Mikhael
9-Saint Joseph

M
atagal ng suliranin ng Pilipinas ang kakulangan ng edukasyon ng mga Pilipino, simula pa noong panahon ni Dr. Jose Rizal. Isinalaysay  niya sa kanyang nobela na ang titolo ay Noli Me Tangere na ang mga ginagawa ng mga Espanyol na panloloko ng mga dayuhan sa mga Pilipino dahil hindi alam o kilala ang bagay, halimbawa ay ang pagpapalit ng ginto na yaman ng Pilipinas sa isang gamit na galing sa ibang  bansa na hindi gaanon magastos. Makita rin natin sa nobela ang pagiging kamaangan ng Pilipino kayat katunayan ito na may kakulangan ng edukasyon noon, at bantog pa rin ito sa kasalukuyan, binnagit din sa nobela ang pagdiskriminsayon ng mga Espanyol sa Pilipinodahil wala silang alam at madali silang mabigo at maloko, minsan kung may pagtitipon maganap at mayroong Pilipino sumali,  ininsulto ng mga dayuhan ang mga Pilipino sa paggamit ng Espanyol na wika dahil hindi ito nila alam.


Pampublikong paaralan


Ayon sa Batas Republika blg. 9155 Seksyon 2, isinalaysay dito sa batas na ang polisiya ng Estado upang pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan ay magkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at upang gawing bukás ito
para sa lahat ang naturang edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob sa lahat ng batang Filipino ng isang edukasyong libre at kinakailangan sa antas elementarya at libreng edukasyon sa antas sekundarya. Kasama sa naturang edukasyon ang mga sistema ng pagkatutong alternatibo para sa mga kabataang wala-sa-paaralan at matatandang mag-aaral. Magiging layunin ng batayang edukasyon na pagkalooban sila ng mga kasanayan, kaalaman, at halagahan na kinakailangan nila upang sila’y maging mga mamamayang mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at makabayan.Ang paaralan ang magiging puso ng pormal na sistema ng edukasyon. Dito natututo ang mga bata. Magkakaroon ng isang layunin ang mga paaralan na magkaloob ng pinakamabuting maaaring batayang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.Magsisimula ang pamamahala sa batayang edukasyon sa antas pambansa. Sa mga rehiyon, dibisyon, paaralan, at sentro ng pagkatuto—na tatawagin dito bílang mga tanggapan sa larang—kung saan isasalin ang mga polisiya at prinsipyo para sa pamamahala ng batayang edukasyon bilang mga programa, proyekto, at serbisyong binubuo, hinahalaw, at iniaalok upang tumugma sa mga pangangailangang lokal. Hihikayatin ng Estado ang mga inisyatibang lokal para sa pagpapabuti ng kalidad ng batayang edukasyon. Titiyakin ng Estado na ang mga halagahan, pangangailangan, at aspirasyon ng isang pamayanang pampaaralan ay sinasalamin sa programa ng edukasyon para sa mga bata, mga kabataang wala-sa-paaralan, at matatandang mag-aaral. Palalakasin ang mga paaralan at mga sentro ng pagkatuto upang gumawa ng mga desisyon sa kung ano ang pinakamabuti para sa mga mag-aaral na pinaglilingkuran nila. 






Comments